Babae ka? Lagi ba kayo nag-aaway ng boyfriend mo? Naku! Hinay ka lang at baka bigla kayo maghiwalay. Bakit ko nasabi yun? Obvious naman siguro, ugali natin na mga girls ang magbunganga sa mga boyfriend natin, madalas, tayo pa nga dahilan bakit mas lumalaki pa ang away. I-deny mo man o hindi, totoo yun! Imbis na ayusin ang away, mas dinagdagan pa natin ang away dahil sa init ng ulo natin.
Girls, we should know our limits kasi minsan tayo na rin ang nagtutulak sa lalaki na iwanan tayo dahil sa ugali natin. Kung ayaw natin mawalan ng boyfriend dapat alam natin ang mga ayaw ng lalaki pagdating sa pag-uugali natin. Nagtanong ako sa mga kaibigan ko na lalaki at ito ang ilan sa ayaw ng lalaki sa ugali natin.
1. Madakdak
Sinung babae ba ang hindi madakdak lalo na kung galit? Halos lahat di ba? Girls yan ang pinaka-hate ng boyfriend natin sa atin, bakit? Itanong nyo yan sa boyfriend nyo, kasi iba't ibang klase ang pagbubunganga natin, may mabunganga ng wala naman dahilan, bunganga na puro nakaraan o maling nagawa ng boyfriend sa atin, etc.
Girls hanggat maaari, bawasan o alisin natin ang ganun na ugali. Hindi sa lahat ng pagtatalo ay kailangan dakdakan natin sila, maayos naman ang problema o away sa maayos at mahinahon na pag-uusap. Kung takot ka mawala sya, pwes! Magbago kana
2. Moody
Lahat ng girls moody lalo na kung red days nila pero hindi dahilan yun para maging moody tayo. Panu nila tayo malalambing kung sobrang moody mo? Girls ilagay natin sa lugar ang pagiging moody natin, hindi yung tipong masaya ka kanina tapos bigla ka maiinis at sa boyfriend mo pa ibubuntong ang inis mo. Kung wala ka sa mood, kausapin mo ang boyfriend mo para alam nya, wag natin idaan sa pagtataray o pagsusungit sa lalaki. Hindi sila tulad natin na pabago-bago ang mood at hindi rin sila manghuhula para malaman kung nasa mood tayo.
3. Nangongontrol/Under si Lalaki
Girls kung ayaw nyo na kino-control kayo ng boyfriend nyo, ganun din sila. Hindi tayo mga nanay nila na dapat lahat ng ginagawa nila ay alam natin. Kailangan din nila ng space para magawa gusto nila, hindi yung tipong ikaw na lang lagi ang priority nya. Tsaka wag natin sila pakialaman sa ginagawa o pupuntahan nila, maski rin naman tayo mga girls ayaw natin na gina-ganun tayo ng boys. Both sides needs a space!
Girls, tandaan nyo may limitation ang lahat ng ginagawa natin. WAG NATIN SAKALIN SILA!
4. Reklamadora
Ang mga girls kapag may nakita na ayaw o hindi nila gusto, magrereklamo yan. Kahit pa na maliit na bagay pa yan, go lang basta magrereklamo yan. Pero may pinipiling lugar dapat ang pagiging reklamadora natin. Meron kasi iba dyan na lahat ng bagay na pangit sa paningin nya ay magrereklamo na ng sobra. Meron din dyan na hindi lang nagustuhan ang kilos o itsura ni boyfriend, reklamo na. O di kaya hindi nagustuhan ang gift ni BF, reklamo na agad! Huwag ganun girls, kung hindi ka marunong maka-appreciate sa isang bagay, manahimik na lang tayo kasi pangit yung sobrang reklamo sa lahat ng bagay. Hindi ka perpekto para magreklamo ka ng sobra-sobra
5. Pikon
Alam naman natin lahat na ang lalaki likas na sa kanila ang makipag-biruan sa mga tropa/barkada nila o minsan sa Girlfriend nila pero may panahon talaga na madali mapikon ang babae lalo na kung hindi nila nagustuhan ang nasabi nito.
Take note girls, kapag nakikipagbiruan si BF, sabayan nyo din. Hindi yung tipong idadaan nyo sa galit at sigaw. Oo, may panahon na nakakainis ang biru ng isang lalaki pero pwede naman natin idaan sa maayos na usapan ang lahat. Kapag napikon na tayo, pwede naman natin sabihan ang boys ng maayos at tahimik. Ayaw kasi ng boys na napapahiya sila sa harap ng maraming tao lalo na kung sa harap ng tropa nila. Kaya dapat tandaan nyo yan girls, ayaw na ayaw ng boys ang mapahiya at isang pikon na GF.
Marami pang ayaw ang mga boys pero sa panahon ngayon kaya dapat maging alerto at mapagmatyag tayo sa ugali natin girls. Hindi sa lahat ng panahon tayo ang tama at hindi sa lahat ng panahon kailangan idaan ang lahat sa sigawang usapan. Be Careful Girls. I hope nakatulong ito :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento