Lunes, Hunyo 16, 2014

Mga ayaw ng babae sa lalaki(Mag-syota)

      Sa isang relasyon, hindi maiiwasan ang pagtatalo lalo na kung may mga bagay na hindi kayo nagkaka-intindihan. Minsan sa sobrang pagtatalo ay nauuwi na lamang ito sa hiwalayan. Sa relasyon dapat meron "Give and Take" yung tipong walang nakakalamang. Meron din mga bagay na dapat maunawaan ng isang lalaki sa babae. Bakit? Marami kasi sa mga lalaki ang hindi nakakaalam ng dahilan kung bakit nagagalit o naiinis ang mga Girlfriend nila sa kanila. Ganyan talaga kami mga girls, bigla-bigla kami nagagalit at naiinis na lang sa inyo na akala nyo "WALANG DAHILAN" pero ang hindi ninyo alam sa bawat inis at galit namin sa inyo ay may dahilan ito. 
          Marami kami mga ayaw na babae lalo na kung nasa isang Relasyon kami. Hindi ibig sabihin nun ay dapat sundin nyo lahat ng gusto namin mga girls, kaya naman namin unawain ang sitwasyon nyo at hindi naman kami ganun kahigpit na parang nanay nyo na. May mga bagay kasi na hindi na nabibigyan pansin ng mga boys ang mga GF nila na humahantong na lang sa galit at inis ng babae. Naririto ang ilang lista na ayaw na ayaw namin mga girls sa mga boyfriend namin.

1. Addict sa Online Games
             Okay lang mag-DOTA kayo basta wag lang kayo makakalimot na may GF kayo, meron kasi na mga boys dyan na mas inuuna pa ang online games kaysa makasama GF nila. Alam namin masaya maglaro lalo na kung kasama nyo mga tropa nyo pero syempre gusto rin namin na makasama kayo. Kahit konting oras nyo lang, masaya na GF nyo, hindi naman kami ganun ka-strikto para bawalan kayo maglaro.

2. Sinungaling
             Imposible walang lalaki ang hindi nagsisinungaling lalo na kung may gimik sya na ayaw nya ipaalam sa Girlfriend nya. MY GOD! Hindi ba pwede alisin yung ganun na ugali nyo? Pinaka-hate ng girls yung ganun, ang hilig magsinungaling ng boys kapag kasama nila ang tropa nila. Ang dahilan nila "Eh kasi hindi mo naman ako papayagan kapag magpaalam ako". Papayag kami na mag-gimik kayo kasama ang tropa nyo basta wag lang makalimutan mag-text sa amin. Madalas kasi mangyari na nakakalimutan na mag-text sa mga GF kapag kasama na nila ang tropa nila. Hays, boys sana bawasan nyo ang pagsisinungaling kasi isang pagkakamali mo lang, sobrang big deal na yan for the girls

3. Bisyo
              OO! Kina-iinisan namin ang bisyo ng boys lalo na kung alak na ang usapan. Bakit? Meron kasi na ibang boys dyan na ginagawa ng daily routine ang pag-inom. Meron pa nga dyan na mas pinipili pa nila ang makipag-inuman sa barkada kaysa maka-date GF nila. Oh well, boys will always be boys. Pero hopefully na sana mabago ng boys yung sobrang bisyo kasi nag-aalala rin naman kami para sa health nyo, not because ayaw namin na makasama nyo ang barkada nyo. 

4. Seloso
             Normal na daw kay boyfriend ang magselos dahil mahal ka nya at ayaw ka daw nya mawala sa kanya. Pero ang pagseselos ay may limitations, hindi dahilan ang "mahal kasi kita" o "baka maagaw ka sa akin". Minsan kasi ang pagseselos ng lalaki ay sobrang nakakasakal na lalo na kung tipong wala naman dapat pagselosan. May ibang lalaki kasi na bigla ka hihilain o hahawakan sa braso/kamay ng sobrang higpit kapag nagseselos sila sa kausap mo na lalaki.
                 Kung pwede lang, papatayin na lang namin ang lahat ng lalaki sa mundo para hindi na magselos, gagawin na namin. Ang pagseselos may pinipiling lugar at sitwasyon, hindi yung tipong kausap lang ang classmate na lalaki ay magseselos na agad o di kaya kausap ang kaibigan na lalaki magselos agad. Wag ganun brad! Bago kapa nakilala ng Girlfriend mo, meron na yan kaibigan na boys kaya please lang, wag na wag kayo magselos. Kayo lang ang nag-iisang mahal namin at wala ng iba! For the girls naman, ganun din dapat kayo, maging patas tayo at iwasan ang pagseselos.

5. Abusado
                 Boys, not because na mahal namin kayo at hindi namin kayo matiis ay aabusuhin nyo na kami. Boys, may hangganan din naman kami at hindi sa lahat ng panahon ay patatawarin at uunawain namin kayo. Hindi habang buhay ang pasensya namin dahil sa oras na mapagod na kami, baka isang araw na lang ay iwanan na lang namin kayo ng walang paalam.

6. Pride
              Yan ang hinding hindi mawawala sa boys, kaya nga tinawag na lalaki kasi mataas ang pride nila. Sa away syota, bihira lang ang lalaki ang magso-sorry even though na sya ang may kasalanan. Hays, bakit ba sobrang taas ng pride nyo boys? Hind nyo ba pwede bawasan yan para sa babaeng mahal nyo? Hindi nyo ba magawa humingi ng tawad sa maling nagawa nyo? Hindi nyo ba kaya mag-approach sa girls kapag matagal na ang away nyo?
                  Sa mga girls din, bawasan nyo ang PRIDE! Minsan kasi sa sobrang pag-iinarte natin, tinatamad na lang tuloy sila lambingin tayo kasi ang dami pa natin arte at satsat. Wag ganun girls, kung ayaw natin na gawin satin yun ng mga boys, dapat ganun din tayo

7. Nananakit
               Meron na ibang boys dyan, imbis kausapin ng maayos ang GF nila, dinadaan na lang nila sa pananakit. Bad yung ganun boys, kahit ultimo paghawak sa braso/kamay ng mahigpit, hindi parin tama yun. Nagselos ka, hahawakan mo na ng sobrang higpit? Uminit ulo mo kasi hindi mo nagustuhan ang ginagawa/nagawa ng GF mo, bigla mo na lang babatukan/sasaktan? May nasabi lang ang GF mo na hindi mo nagustuhan, bigla mo na lang sasampalin? ABA! MATINDE KA! Anu ba tingin mo sa GF mo? Tuta na dapat lahat ng gusto mo dapat nya sundin? At kung hindi sumunod sayo ay pwede mo saktan. Aba! Kung ganun lang tingin mo sa GF mo, e'di sana nag-alaga ka na lang ng tuta na madali mo mauuto.
                  Hindi kami nag-BF para lang magpabugbog at maging tangang tuta na susunod sa inyo. Tandaan nyo boys, pwede namin kayo iwan ng wala pasabi sa inyo at pwede rin kami mag-demanda sa inyo kaya sa mga girls na nakakaranas ng pananakit galing sa Boyfriend nila, WAG KAYO MATAKOT! MAY BATAS NA HANDANG TUMULONG SA ATIN, huwag nyo hayaan na saktan kayo ng saktan ng mga lalaking wala naman kwenta at always remember girls, MARAMING BOYS DYAN NA PWEDE TAYO MAHALIN NG WALANG KASAMANG PANANAKIT NG PHYSICAL!

8. Maraming Bawal
             Kung ang girls maraming bawal, ganun din ang boys. Sa relasyon dapat alam natin kung anu ang dapat ipagbabawal, hindi yung tipong matagal na nya ginagawa ay bigla-bigla mo pagbabawalan. Hindi rin tama na pagbawalan mo ang babae na makasama ang ibang friends nya, lalaki man ito o babae. Meron kasi ibang boys dyan na kapag hindi nya gusto ang friend ng Girlfriend nya, bigla nya ito pagbabawalan. Kung may tiwala ka sa Girlfriend mo, hindi mo na sya kailanganin na pagbawalan kasi alam nya kung anu ang ikaka-galit mo at ayaw mo. Remember boys, nakakasakal ang sobrang bawal, gusto rin naman ng girls ng konting laya.

9. Effortless
               Sa relasyon kailangan bawat isa may effort, hindi yung isang tao lang mag-effort. May ibang lalaki dyan kapag may LQ sila, bihira lang mag-effort na lambingin ang mga GF nila. Meron pa nga dyan na kapag super duper LQ sila at ilang araw na hindi nagpapansinan, yung boys na imbis mag-text o tawagan ang GF, nandun sa computer shop, nag-DOTA! May effort lang ang ibang boys kapag nanliligaw pero kapag sila na, EFFORTLESS na. Kailangan sa umpisa lang kayo magaling boys?

10. May Load pero hindi marunong magtext
              Maraming boys ang ganyan, may load naman pala pero hindi marunong magtext/magreply. Sobrang nakakainis yung ganun! Isang text lang hindi pa magawa, ang mahirap pa sila pa yung galit. Hindi naman siguro masama magtext kayo ng isang lang tsaka meron din dyan na boys na kapag ang tropa nila ang katext nila dyan, ang bilis magreply. Unfair lang eh nuh.


                Yan ang ilang kinaiinisan ng girls sa boys kaya sa mga boys na may GF na dyan, ito ang ilang paraan para malaman nyo kung bakit galit sa inyo ang GF nyo. Hopefully nakatulong ito at sana maayos ang lahat bago pa mahuli ang lahat. Make Love, not War.

6 (na) komento:

  1. Ano po ba ang magandang gawin para mas lalo ko kaagad maintindihan yung pag aaway namin ng girlfriend ko? Like mafigure out ko agad. thank you

    TumugonBurahin
  2. totoo may pointka. kaso ung ibang bawal ka magsuot ng ganito piro sa fb nya mga sexy girls mag request friend sya dba masakit .. samantalang ako hndi ako ng accept hndi ko kilala

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. pag ganun dapat mag uusap kayo, hindi tahimik lang, kasi walang magyayari dyan.

      tulad namin ng gf ko nag uusap kami pag may hindi tama na nagawa ang isa, kaya masaya kami pareho..

      Burahin
  3. lahat ng bawal ginawa muna .
    mnsan hndi ko maiintindihan ung partner mo
    tanungin mo ng maayos magagalit ka agad ang sakit sa pakiramdam hndi ka papansin pag kumakain may pagdadabong pa sa plato ..
    nung una hndi naman sya ganun pag dating galing work nagkwentuhan kami . ngaun iba na sya .. hndi kuna sya kilala minsan nilulunok ko nalang ung pinapakita nya sakin dahil mahal ko sya . iniisip ko baka pagod lang sya daming pinagdaanan ...
    hanggat kaya kayanin . sya kasi ma.pride sarile .. sakit kya sa pakiramdam ng ganun dba.. wala ka namang ginawang masama sa kanya...

    TumugonBurahin
  4. tama po magtanong po muna sa partner kung ano ang ayaw nya,
    kasi hinde kayo magiging masaya kung hinde nyo alam ang mga ayaw nyo..

    TumugonBurahin